MGA DAHILAN SA PAGKAKAROON NG MABABANG ANTAS (LEVEL) SA PAGBASA NG MGA BATA SA IKA-ANIM NA BAITANG
Maraming problemang kinakaharap ang mga paaralan sa bansa at tulad ng malnutrisyon, palagiang pagliban ng mga mag-aaral sa klase, mababang "performance" sa NAT at ang pagkakaroon ng mga batang nasa antas na kabiguan sa pagbasa..Tulad ng ibang paaralan na gustong mabigyan ng kalutasan ang problemang ito, ang Paaralang Elementarya ng Sampad ay nagsagawa ng pag-aaral upang alamin ang mga dahilan kung bakit marami pa rin sa mga mag-aaral sa ika-anim na baitang ang nasa antas ng ."kabiguan"
Ilan sa mga ito ay :
1.Kawalan ng Interes sa Pagbabasa
- kakulangan sa mga materyal na gagamitin sa pagbasa,
- maliliit ang pagkakasulat ng mga titik sa mga kwento na nasa aklat,
- hindi masyadong makukulay at konte ang mga larawan at
- masyadong mahahabang kwento ang karaniwang nakalimbag sa kanilang mga aklat.
2. Problema sa Pamilya
- walang magulang na gumagabay dahil parehong nagtatrabaho ang nanay at tatay o walang panahon sa kanila dahil may ibang mga pinagkakaabalahan.
- "illiterate" ang magulang- hindi nila maturuan sa bahay ang kanilang mga anak dahil sila mismo ay hindi rin marunong magbasa.
3. Laging Liban sa Klase
- kawalan ng interes sa pag-aaral na nagbubunsod sa bata upang gumawa ng kung anu-anong dahilan upang hindi pumasok sa paaralan
4. Kahirapan
- "child labor" - ang mga bata ay naghahanapbuhay na upang makatulong sa pamilya sa halip na pumapasok sa paaralan.
- hindi matustusan ang ilang pangngailangan para sa kanilang pag-aaral
- at dahil din sa kahirapan, ang mga wasto at tamang pagkain para sa lumalaking mga bata na makatutulong ng malaki upang sila ay tumalino at maging malusog ay hindi nabibigay sa kanila ng sapat.
true!
TumugonBurahincorrect!!
TumugonBurahinroots and causes...saved!
TumugonBurahinbright talaga po ;-)
TumugonBurahinsuper true!
TumugonBurahinPara lamang c.i
TumugonBurahinyes that's true
TumugonBurahingoow CI
TumugonBurahinTama
TumugonBurahinCI ANG PEG???
TumugonBurahingo!!!!!!
TumugonBurahinang inam poh neto.
TumugonBurahinKorek
TumugonBurahinvery true po mam
TumugonBurahinKOREK
TumugonBurahinTUGON
TumugonBurahin